๐ฆ๐๐ป๐ผ๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฏ๐ฎ๐๐ผ๐ด: ๐ฏ ๐บ๐ถ๐น๐๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ถ-๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐ฎ๐ฏ๐ผ
ni Melchor Alfonso
April 18, 2023
Tinupok ng apoy ang 174 na kabahayan sa Barangay Carmen at Barangay Obrero, Lungsod ng Calbayog alas 2:47 ng madaling araw, Martes, Abril 18.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Calbayog, umabot sa higit kumulang P3 million na halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na nagsimula sa isang boarding house.
Ayon kay City Fire Marshall SINP Victor Ygbuhay, karamihan sa mga biktima ng sunog ay mga informal settlers na naninirahan sa nasabing mga barangay.
โAn aton affected nga number of households, initially po an Brgy. Obrero as the record of BFP investigators, mayda kita san 26 households, mayda 41 na families na affected. An Brgy. Carmen namanโฆ initially affected na mga households is 148, and family affected is 165,โ ulat ni Ygbuhay sa ginanap na media conference Martes ng hapon.
Walang namang naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog.
๐๐ผ๐๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐
Sa nasabing presscon, inihayag naman ni Calbayog City Mayor Raymund C. Uy na karamihan sa mga bahay na naapektuhan ng sunog ay nakatayo sa lote na pagmamay-ari ng lungsod.
โI-check natin yung lot na tinatyuan nila kung hindi ba sila ilegal dun. Kasi kung magbigay tayo ng ayuda para mag-construct naman dun, then ilegal din naman yung tinatayuan nila, magiging problema din natin in the future,โ paliwanag ni Mayor Uy,
Dagdag pa ng alkalde na susuriin nila ang mga lote ng lungsod na pwedeng pagtayuan ng bahay at mga housing projects upang doon ilipat ang mga bikitima ng sunog.
Humingi rin ng tulong si Mayor Uy na kung sakaling may mga housing programs ang mga national government agencies, na mabiyayaan ang lungsod lalo na ang mga apektado sa nasabing sunog.
๐ฆ๐ฎ๐ป๐ต๐ถ ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ป๐ผ๐ด
Ayon kay Calbayog City Police Chief PLtCol Ericson Del Rosario, iniimbestigahan pa ng Calbayog City Police Station at ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog sa nasabing lugar.
Aniya, kasalukuyang pa ring hinahanap ang mag-asawang pinaghihinalaang sangkot sa sunog at kung sakaling mapatunayan na sinadya ang pagsisimula ng sunog, maaaring makasuhan sila.
Pinasasalamatan ni Mayor Uy ang mga indibidwal, ahensya, karatig-LGUs at mga organisasyon na tumulong at nakibahagi ng kanilang kakanyahan sa mga naapektuhan ng sunog.
โGinkakasubo naton na mayda sunog, ginkakalipay man naton an tagsa-tagsa nga nagpaabot san bulig, Overwhelming an bulig san mga Calbayognon,โ ani ni Uy.



