News Sunog Sa Calbayog

๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ด: ๐Ÿฏ ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ-๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ

ni Melchor Alfonso

April 18, 2023

 

Tinupok ng apoy ang 174 na kabahayan sa Barangay Carmen at Barangay Obrero, Lungsod ng Calbayog alas 2:47 ng madaling araw, Martes, Abril 18.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Calbayog, umabot sa higit kumulang P3 million na halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na nagsimula sa isang boarding house.

Ayon kay City Fire Marshall SINP Victor Ygbuhay, karamihan sa mga biktima ng sunog ay mga informal settlers na naninirahan sa nasabing mga barangay.

โ€œAn aton affected nga number of households, initially po an Brgy. Obrero as the record of BFP investigators, mayda kita san 26 households, mayda 41 na families na affected. An Brgy. Carmen namanโ€ฆ initially affected na mga households is 148, and family affected is 165,โ€ ulat ni Ygbuhay sa ginanap na media conference Martes ng hapon.

Walang namang naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog.

๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜

Sa nasabing presscon, inihayag naman ni Calbayog City Mayor Raymund C. Uy na karamihan sa mga bahay na naapektuhan ng sunog ay nakatayo sa lote na pagmamay-ari ng lungsod.

โ€œI-check natin yung lot na tinatyuan nila kung hindi ba sila ilegal dun. Kasi kung magbigay tayo ng ayuda para mag-construct naman dun, then ilegal din naman yung tinatayuan nila, magiging problema din natin in the future,โ€ paliwanag ni Mayor Uy,

Dagdag pa ng alkalde na susuriin nila ang mga lote ng lungsod na pwedeng pagtayuan ng bahay at mga housing projects upang doon ilipat ang mga bikitima ng sunog.

Humingi rin ng tulong si Mayor Uy na kung sakaling may mga housing programs ang mga national government agencies, na mabiyayaan ang lungsod lalo na ang mga apektado sa nasabing sunog.

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ต๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ด

Ayon kay Calbayog City Police Chief PLtCol Ericson Del Rosario, iniimbestigahan pa ng Calbayog City Police Station at ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog sa nasabing lugar.

Aniya, kasalukuyang pa ring hinahanap ang mag-asawang pinaghihinalaang sangkot sa sunog at kung sakaling mapatunayan na sinadya ang pagsisimula ng sunog, maaaring makasuhan sila.

Pinasasalamatan ni Mayor Uy ang mga indibidwal, ahensya, karatig-LGUs at mga organisasyon na tumulong at nakibahagi ng kanilang kakanyahan sa mga naapektuhan ng sunog.

โ€œGinkakasubo naton na mayda sunog, ginkakalipay man naton an tagsa-tagsa nga nagpaabot san bulig, Overwhelming an bulig san mga Calbayognon,โ€ ani ni Uy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *