๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐: ๐๐จ๐ญ๐-๐๐ฎ๐ฒ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐, ๐ง๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ฉ๐ ๐ซ๐ข๐ง
ni Dioven Cardinas
October 29, 2023
Aabot sa halagang P3,000.00 ang posibleng matanggap ng isang botante ng Sangguniang Kabataan (SK) ngayong eleksyon sa isang barangay sa Calbayog City.
Ito ang inilantad ng isang SK kagawad na si Karl (di na tunay na pangalan), 24, at kasalukuyang estudyante sa NwSSU sa isang panayam ng The Courier.
Ani ni Karl, aabot sa P10,500 kada tao ang umanoy ilalagak ng isang partido sa isang barangay sa Calbayog City para masiguro ang kanilang pagkapanalo.
โFor [barangay] chairman P5,000, kami na mga SK is P3,000. So magto-total siya P8,000 per head. Tapos may special offer pa kami na P2,500 na magiging pasingit namon,โ paglalahad ni Karl.
Dagdag pa niya, posibleng umabot pa hanggang P15, 000.00 kada tao ang kayang ibigay ng partido para ikayod ang mga tumatakbo sakaling lampasan ng katunggali ang kanilang badyet.
Ang rebelasyon ni Karl ay isang patunay na laganap pa rin ang โvote-buyingโ kahit ngayong Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Sa datos ng statista.com, lumalabas na 26.4% (isa sa bawat 4 na Pilipino) ang aminadong nangyayari ang vote-buying sa kanilang komunidad, samantalang 6.3% ang nakaranas na mabigyan ng pera para iboto ang partikular na kandidato.
Sa pag-aaral ng Ateneo De Manila University-School of Government noong 2016, lumalabas na talagang karaniwan ang vote buying sa mga mahihirap na lugar, ngunit nag-iiba ang pangyayari depende sa uri ng vote-buying.
Karaniwang anyo nito ang pagbibigay ng pagkain at damit, pero may naiuulat rin na lantaran na paggamit ng pera. Karamihan sa mga binibentahan ay tinatanggap ang alok, ngunit nasa dalawa lamang sa bawat tatlong (2/3) botanteng nakatanggap ng pera ang mismong bumoto sa kandidato.
๐ช๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ธ๐น๐ฎ๐บ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฐ
Bago pa man naitalaga sa Calbayog City noong nakaraang taon, naririnig na umano ni Election Officer Atty. Chamles Lubaton, pinuno ng Commission on Election (Comelec) Calbayog, ang malakas na โbilihanโ dito sa Samar.
Ngunit sa kabila nito ay nananatiling tahimik at walang natatanggap na reklamo tungkol sa pagbili at pagbebenta ng boto ang ahensiya ayon kay Atty. Lubaton.
โNo one is brave enough to come to the office and file a complaint. Naririnig ko lang malaki talaga ang bilihan. Waray man nagrereklamo, an nagrereklamo ito lang na mga sizes ng election paraphernalias bukod sa dalawang nagkareklamuhan dati na hanggang ngayon di pa rin bumabalik sa opisina,โ saad ni Atty. Lubaton sa panayam ng The Courier.
Bilang paghihigpit sa BSKE, kamakailan lang ay naglunsad ng Kontra Bigay Complaint Center (KBCC) ang Comelec, kung saan pwede nang magreport ng insidente ng vote-buying ang taumbayan gamit ang ibaโt ibang media platforms gaya ng TikTok, Instagram, Facebook at X.
Bukas ang tanggapan mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon simula pa nung Agusto 28, pero pagsapit ng Okt. 29-31, 24 oras na itong tatangap ng mga reklamo.
โKung mapatunayan sa korte na nagkasala ka sa vote-buying and vote-selling, ikaw ay madi-disqualify kun naproklama na. Panduha, mapriso ka one (1) year or six (6) years, pagkatapos prohibited ka pa to run again. Mao iton an mga punishments, candidate or not candidate,โ babala ni Atty. Lubaton.
๐๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฒ-๐ฏ๐๐๐ถ๐ป๐ด
โKulturaโ na kung maituturing ang pagbili at pagbebenta ng boto kaya mahirap na itong maihiwalay sa eleksyon kahit pa may isinusulong na mga programa kontra rito.
Ito ang naging pagpapaliwanag ni Nicolas Faller, director ng NwSSU Research Center for Local Governance, sa panayam sa kanya ng The Courier.
โNakaka-apekto iton [vote buying] san resulta san election. Dinhi sa Pilipinas, waray ka ngani kwarta it seems that waray ka katungod pagdalagan san election, ungod iton,โ paliwanag ni Faller.
Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Faller na makakatulong ang paglunsad ng awareness program o mga seminars para maiwasan ang talamak na sistemang ito
โActually we conducted before, yana ugaring kay may mga activities na iba. We conducted something called Voter Awareness Seminar in order to reach out an mga bag-o nga botante and tell them kun nano an realities, and definitely out of this knowledge magiging knowledgeable kam,โ dagdag pa niya.
๐๐ฎ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ
Isa rin sa mga nakikitang dahilan kung bakit patuloy ang pagtangkilik ng mga botante sa vote buying ay ang nararanasang kahirapan at patuloy na pagtaas ng bilihin.
โKarawaton gad kay sa panahon yana diba?, para ipalit pagkaon, sugad siton,โ pagpapaliwanag ni Maricar (di tunay na pangalan), isang estudyante ng NwSSU at isa sa mga nakatanggap ng pera ngayong eleksyon.
Ayon kay Maricar, higit sa pera, mas titignan niya ang plataporma ng mga kandidatong kanyang iboboto at kung sino ang mas may kakayahang umako ng mg responsibilidad.
Pangarap naman ni Maricar na sa darating na panahon na mawala na ang vote-buying na sistema upang maiwasan nang umasa ang mga botante sa bigayan ng pera tuwing eleksyon.
โKaruyag ko in the future maayos na an pamamalakad, like wa na gin gagawas na kwarta. Kun karuyag mo man dumalagan, ban ada na sa imo konsensya kon magawas ka ba kwarta o di na,โ ani ni Maricar.




